June 26, 2007

Eksena sa jdyip...

Kanina sa Dyip, di ko mapigilang lumuha...
Patuloy ang ulan sa kalye, basa na ang mga ale...
Humaharurot na ang Dyip, papalayo sa 'yo...
Tumatangis ang langit... waring nakikisama sa aking hinagpis...
Saan ako bababa? saan ako pupunta?
Lagpas na ata ako, "Mama, para na po sa tabi!"

~tomas leonor

                            

March 25, 2007

nagbabalik

Nagbabalik sa pagsulat ng hinanakit
buntunghinga at mga hinagpis hatid ng pait
kasama ko ang kaibigang tahimik
humihikbi sa aking sulok...

November 09, 2006

Paborito ko ngayon...

Himig ng Pag-Ibig  (Asin)

Performed by Mr. Noel Cabangon

Hoo hoo-hoo hoo-hoo

Hoh hoh-hoo hoo-hoo

Sa pagsapit ng dilim ako'y naghihintay pa rin

Sa iyong maagang pagdating

Pagkat ako'y nababalisa kung 'di ka kapiling

Bawat sandali mahalaga sa atin.

Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin

Tulad ng langit na kay sarap marating

Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin

Tulad ng himig na kay sarap awitin.

Chorus 1:

[Nan nanana nan nanana nan nanana nan nana]

[ Nana nana nana nana]

[Nan nanana nan nanana na]

[ Nana nana na]

[Nan nanana nan nanana nan nanana nan nana]

[ Nana nana nana nana]

[Nan nanana nan nanana na]

[ Nana nana na]

At ngayong ikaw ay nagbalik sa aking piling

Luha ng pag-ibig kay sarap haplusin

Tulad ng tubig sa batis hinahagkan ng hangin

Pag-ibig ang ilaw sa buhay natin.

Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin

[Ang ibong malaya]

Tulad ng la-ngit na kay sarap marating

[Langit man ay na---is niyang marating]

Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin

[Ang tibok ng puso]

Tulad ng himig ng pag-ibig natin.

[Tulad ng himig ng pag-ibig]

Chorus 2:

La lala lala

[Na na na na na na nana]

[ Nana nana nana nana]

La lala lala

[Na na na na na nanana]

[ Nana nana na]

La la la la la la la

September 13, 2006

Kumusta na?

Kumusta na?

DaoAlagaoMamalisKamatisCaimitoTibigBastaPunoSementoPlasterOfParisPolyGlueClayOfIanInParisPlasterAtkatsaSementoAtChickenWireNaMukhangUgatNaPaaNgManokAlikabokAtPutikBastaPunoSaLamesaDamecoParkPuchaAyoko NaNakakabaliwParangAkoBaliwEwanBirthdayKoEwanTaePatayPinsanKoSaksakDahilSaBoysenAtWelcoatPuchaLaboParangAkoLaboPuroPunoPunoNgKapuruhanAtKapunuanLaboMoLabokoLabu-LaboNa'ToGsutoKoNaUmuwiDiNaKoMakahingaDiNaKoMakagalawDiNaKoMakalipadGustoKoNangMagpintaGustoKoNangTumulaAtKumantaGustoKoNangGumalaAtLumipadPunoBalikTayoSaPunoBukasUlitIsangLinggoNaLangIsangLinggoNaLangSana...

Sana nga...

~tomas leonor

kamusta na?

Kamusta na? tagal nating di nagkita...

Eto ko, kaharap mo pero di mo ko nakikita, nagkukwento ako sa 'yo pero di mo 'ata ako naririnig, wala ka yatang tenga. Nakikita mo ba ko? Andito ako sa harap mo, nagkukuwento...

Isang buwan na akong pagod, pagod sa araw-araw na pagkayod, umaga, tanghali, gabi...alam mo ba yun? O wala ka lang talagang pakialam? Nakikita mo ba ako?

Namatay na nag dalawang pinsan ko: yung isa nasaksak dahil lang sa pintura, naikwento ko na ba?

Magkwento ka naman...

Kumusta ka?

~tomas leonor

August 20, 2006

OIl Spill Pictures from the Greenpeace Website

I just want to share this to everyone...

also visit :

http://p2-raw.greenpeace.org/seasia/en/news/philippines-oil-spill
http://p2-raw.greenpeace.org/seasia/en/photosvideos/photos

Agroupoflocalfishermanfro2

August 03, 2006

Karma

It works well...

July 24, 2006

UFO Catcher

Kita ko yung bata nakatingin sa tig-mamerang laruan, namimilog ang mata sa simpleng asam na makuha ang simple ding laruan, kita ko din ang kanyang tatay niya hawak ang joystick ng UFO Catcher, nakatitig 'di sa laruang asam ng anak kundi sa isang cellphone sa loob din ng UFO Catcher...

Unang beses sa joystick, mintis...

Pangalawa, mintis ulit...

Pangatlo, iniwan ko sila sa ganoong tagpo...alam ko naman kasi na di nila makukuha isa man sa gusto nila.

Siguro ako yung bata simple lang ang pangarap walang muwang at madaling mapasaya, siguro ako din yung tatay na naghahangad ng sobra-sobra, siguro ikaw, siya, sila, kayo, tayo din ang bata at ang tatay sa tagpong yun,tuloy ang paglalaro ng UFO Catcher.

~tomas leonor

June 30, 2006

Superman Re-Turns

Kwento: Nung isang araw despite (naks ingles!) the fact (f*ck) na puyat at pagod kami ni Ading, nanood kami ng Superman Returns, ayun kami at pumila para makabili ng tiket, nakakuha naman kami ng magandang upuan sa sinehan.

Isip: Ang mundo nag-iisa nga lang ba talaga na may buhay?
Tanong: Bakit sa Earth napunta si Superman at hindi sa Heaven o Hell?

Tanong: Si Superman, bakit di tinablan ng bala sa mata?
Answer (naks, ingles ulit!): It makes perfect sense, kasi di nga siya tinatalaban ng bala sa kahit saang parte na katwan, so kung weakness niya yung mata (o yung mismong iris o pupil nito) niya, e di matagal na siyang bulag. Unlike Achilles na may weak part sa katawan niya.
Pahabol (takbo!): Lahat ng Tao, kahit superhero may weakness . Walang perpekto sa mundo o sa Krypton man.
Blackmail: Kryptonite

Ading: Ikaw si Lois, siya si Superman, ako si Richard...
Kuya: Argh! :( "Nood na lang muna tayo ng movie baby ha"
Muni-muni: Bilib ako kay Richard, naiintindihan niya kung asan siya sa buhay ni Lois, Mahal niya si Lois at yung bata, di siya nag-de-demand ng marami, steady lang siya...

Bilib ako kay Lois, ang lakas niyang babae na kahit nag-pagulong-gulong na siya sa eroplano eh wala siya kahit isang galos sa mukha/ ulo....siguro nahawa siya kay Superman... Nostalgia...alam niyang tapos na ang panahon nila ni Superman. Mahal niya si Richard pero naguguluhan siya sa mundo, kasalanan ni Superman lahat. Pinakamahalaga sa kanya ang anak nila.

Bilib ako kay Superman, kahit 5 years siyang nawala at di pa rin siya nag-mature at di pa rin niya napansin na nauna yung pants kesa brief niya na hanford, di pa rin niya nakakalimutan yung nanay niya, dun pa rin siya umuwi sa farm...Humility mahalaga sa tao yun. Kahit superhero ka, alam mo pa rin ang roots mo, at pinapahalagahan mo 'to. Bilib din ko sa kanya kasi di niya inupakan si Richard at nire-recognize niya ang presence nito sa buhay ni Lois at ng anak nila. Ramdam mo na hinahabilin niya ang mga ito dito...

Nung tinulak nung anak nila ni Lois Lane yung Piano, Sorry sa mga gumawa ng pelikulang 'to pero sablay yung scene na yun para sa kin. una kong naalala yung 'Incredibles', sana ginawa nila yung idea nila na ipaalam sa viewers na anak nga ni Superman/ Clark Kent ang bata on a 'subtler' scenario, kasi parang whoah! moment talaga. Pero ayun, ipagtatangol ko naman sila (yung mga nagsulat ng script at director) sa ibang critics dun sa scene ng pagbaril sa mata ni Superman, ok talaga yun kung iisipin mo.

Tanong: Paano kaya nag-sex si Lois Lane at Superman? O si Lois Lane at Clark Kent? Kelan at Saan? Ilang beses? Alam ba nila na nakabuo sila dati? Di kaya namaga ang *toooot* ni MS. Lois Lane? kasi di ba,si Superman yun eh? o baka naman si Clark Kent, kaya 'gentle' lang?  Hmmmm....

Sagot: Curious lang ako talaga, pramis.

Superman lives a lonely life...

Walang Krypton, walang Lois Lane, walang apartment...

Marunong kaya siyang umiyak? nagba-blog din kaya siya kagaya natin?

Astig din yung scene sa bandang simula na pinag-fetch niya yung Labrador nila, kawawang aso, sabi nga ni Ading, 1 month daw tatakbo yung aso para lang maretrieve yung bola...awww...naalala ko tuloy si Caramel ko, ganun din kulay niya....haayyy.

Mala-Tao na talaga si Superman kasi may Dog siya, hehehe. Softie talaga siya deep inside.

*time space warp* Ngayon din!

Tanong: Kung iisipin may natural cycle ang mga bagay na nangyayari sa mundo, 'pag andiyan si Superman panigurado mababa ang Death Rate, nakakatulong ba siya o masyado siyang nakikialam at baka yung ibang mga dapat mangyari eh di natutuloy, leading into more serious problems. Over Population ang labas, lahat ng tao kampante na na Superman will save them (ingles ulit!). So ang tanung, nakakatulong ba siya o hindi?

Sagot: ano sa tingin niyo...

Tanong pa: Anu kaya ang stand niya on Mining???

Si Superman ba ay reincarnation ni Jesus Christ? hindi, pero mala-mala. Kung iisipin mo parang anti-christ ang dating niya, kakatakot yung concept ng isang Superman... (pero nag-enjoy pa rin ako sa panonood, hehehe!)

Si Lex Luthor wala yun, egotistic kupal lang talaga siya at walang ginawa kundi manggulo. Siya na siguro ang pinakamatalinong villain kasi pinaligiran niya ang sarili niya ng mga bobong tao katulad ni...

Catherine na laging may hawak na Doggie (hindi Lug-i), the 'Ditsy Girl' (ayun kay Ading ko) na nagtaksil sa kanya, na kung di nangyari ay malamang di natapos ang pelikulang ito. Buti na lang.

Si Lex Luthor ba ay part ng La Fayette mining? Sup1076

Andaming Parallels nitong pelikula na 'to sa buhay natin sa realidad, sa mga makakabasa nito na posibleng mairita, ganyan talaga ang mundo kanya-kanyang pananaw, opinyon at prinsipyo. Sineryoso ko ang pelikulang 'to dahil inaamin ko tatlong beses ako (apat pa nga ata) napaluha o medyo napaluha nito...

Yung Konsepto ng ama, ng kaibigan, ng selfless service sa kapwa mo (kahit kung iisipin ay di naman natin siya kalahi talaga), pag-ibig, mga tanong sa isip...binaha ako ng mga katanungan...kagaya ni Superman o Kahlel, kahit lumilipad ka na, hahanapin mo talaga ang mga sagot sa mga tanong mo tungkol sa sarili mo...

Jose Rizal...Ang di marunong magmahal sa sariling wika ay higit na malansa sa mabahong isda...

Just a thought: Kupal ang di lumingon sa pinanggalingan niya. Totoo yan. represent mo West Rembo! (di ba, ading?)

Forest Gump, Life is Beautiful, Meet Joe Black...the list goes on.,.,.,.,.,

Isama na natin ang Cars at Superman Returns.

~tomas leonor

June 20, 2006

Sad

Tears fall deep down my ears i can't hear them drop i strain my neck to hear i do hear can't speak words fall down with every tear drop i turn deaf i cry inside can't show my tears i cry of guilt inside can't show it can't speak about it don't have the right to i just feel the tears trickling down my neck as i hear those tears trickle slowly with it your love...i cry inside, i cry with you...i'm guilty, i cry.